NAGA CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos na pagsasaksakin dahil sa umano’y sa selos sa Brgy. Vinagre Tigaon, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Allan Olores 19 anyos habang kinilala naman ang suspek na si Angelito Lorenzana 26 anyos mga residente sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office CSPPO, sinasabing naglalakad ang biktima kasama ang nililigawan nito na si Rocebel Larcena 16- anyos para bumili ng yelo ng makita ito ng suspek na sinasabing may gusto rin sa dalagita.

Kaugnay nito, tinanong umano ng suspek si Larcena kung sino ito at nang sabihin na ito rin ay isa sa mga manliligaw niya agad na pinagsasaksak ni Lorenzana si Olores sa kanyang likuran.

Dahil dito, nagtamo ng malalang tama sa spinal cord si Olores na agad namang dinala sa ospital.

Samantala, sumuko naman si Lorenzana subalit mariin nitong itinanggi ang nasabing krimen.

Sa ngayon, patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here