-- Advertisements --

NAGA CITY- Hindi na naagapan ang buhay ng isang lalaki matapos saksakin nito ang sariling dibdib gamit ang bolo sa Zone 5 Brgy. Sta. Rosa Del Norte, Pasacao, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Teodolfo Parfiles, 41-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt. Efren Dela Cruz, hepe ng Pasacao-PNP, sinabi nitong nakakaranas ng matinding depresyon ang biktima hanggang sa nagkulong ito sa loob ng palikuran.

Nang nasa loob na, itinusok nito sa kanyang dibdib ang nasabing patalim na halos 21 pulgada ang haba na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Sinubukan pa sanang itakbo sa Pasacao Rural Health Center ang biktima ngunit idineklara nang Dead on Arrival ng mga doktor.

Samantala, isang suicide note naman ang natagpuan sa gilid ng naturang bangkay.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.