NAGA CITY – Patay na nang matagpuan ang isang lalaki matapos barilin ang sarili gamit ang isang sumpak sa Sitio Tungkaan Brgy. Tagbon Goa, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMaj. Dominic Borigas, hepe ng Goa-PNP, sinabi nitong nakakaranas ng depression ang biktima dahil sa nararamdamang sakit.

Ayon umano sa asawa ng biktima, mayroon na lamang itong narining na malakas na putok at nang pumasok sa loob ng kwarto doon na natagpuan ang wala ng buhay na asawa.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here