BAGUIO CITY-Nasawi ang isang lalaki sa Bangued, Abra matapos pinagsasaksak ng nakainuman nito.

Nakilala ang biktima sa si alyas Totoy habang ang suspek ay si Jonarie Gupaal, 24-anyos at residente rin ng Bangued, Abra.

-- Advertisement --

Batay sa imbestigasyon, nag-inuman ng alak ang biktima at suspek sa kusina ng isang bahay.

Gayunpaman, hindi nagkaintindihan ang dalawa at nagresulta ito sa pananaksak ng suspek sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ng biktima.

Naisugod pa sa pagamutan ang biktima ngunit naideklara itong dead on arrival.

Agad namang nahuli ang suspek na sa ngayon ay nahaharap na sa kaso.