-- Advertisements --

NAGA CITY – Patay ang isang lalaki matapos tumilapon ang minamanehong sasakyan sa Zone 2 Barangay Bonifacio San Fernando, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCapt Julius Prima, hepe ng San Fernando, Camarines Sur, sinabi nito na kinilala ang biktima na si Jose Jr. Apolinar Chavez, 50-anyos, residente ng Zone 3, Barangay Veneracion, Pamplona, sa nasabing lalawigan.

Una na rito, ayon kay Prema, habang binabaybay ng suspek na kinilalang si Josafat Bersula Agbalate, 47-anyos, residente ng Zone 1, Barangay San Nicolas Baao, Camarines Sur ang Northbound ng Maharlika Highway habang nakakabit ang isang motorboat ng aksidenteng matanggal ito.

Kaugnay nito, nagresulta ang nasabing pangyayare para kainin nito ang kabilang linya na binabaybay naman ng biktima sakay ang kaniyang motorsiklo.

Dito na sumalpok ang motorsiklo ng biktima at tumilapon sa gilid ng kalsada.

-- Advertisement --

Base sa imbestigasyon ng mga otoridad mabilis umano ang pagpapatakbo ng motosiklo ng biktima kung kaya hindi nito kaagad nakita ang natanggal na motorboat.

Samantala, dinala pa sana sa ospital ang biktima ngunit binawian rin naman ng buhay.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang nasabing suspek at posibleng mahaharap sa kasong Reckless Imprudence resulting to Homicide hinggil sa nasabing pangyayare.