LEGAZPI CITY — Pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad ang suspek sa pagpatay sa isang lalaki matapos na pagpupukpukin ng bato sa ulo sa Barangay San Isidro lungsod ng Tabaco.

Kinilala ang biktima na si Ireneo Samper, 47, residente ng Barangay Comon, Malinao, Albay habang suspek sa krimen si Salvador Bornilla na kasalukuyang nakatira sa Barangay Pinagbobong, Tabaco City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Tabaco City Police, nag-iinuman ang biktima, suspek at iba pang mga kaibigan nang bigla na lamang kumuha ng bato si Bornilla at maraming beses na ipinukpok sa ulo ni Samper.

Dahil dito, binawian ng buhay ang biktima habang agad namang tumakas ang suspek.

Blangko naman ang pulisya sa motibo sa krimen na kasalukuyan pang iniimbestigahan.