CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kasong homicide ang isang lalaki matapos umanong pagtatagain ang kanyang kuya sa Purok 7, Brgy Miglamin, Malaybalay City Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si Jed Paradero, 22, residente sa naturang lugar.

Sinabi ni Malaybalay City Police Station Commander Lt. Col. Jerry Tambis na nag away ang suspek at ang biktimang si Carmelito Paradero, 23, may asawa na nauwi sa pananaga.

Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay.