-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Crisanto Sabanal, residente ng Brgy. Mangilag Norte sa naturang bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang naghaharvest ng sitaw ang biktima ng bigla na lamang dumating ang hindi pa nakikilalang suspek at dito na nito pinagbabaril ang biktima gamit ang hindi pa maoaman na uri ng baril.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan si Sabanal na nagresulta sa kaniyang agrang pagkamatay.

Sa ngayon, nagpapatuloy na ang imbestigasyon ng mga otoridad gayundin ang hot pursuit operation para sa posibleng pagkakakilanlan ng suspek.