CAUAYAN CITY- Namatay ang isang lalaki matapos barilin ng isang guwardiya ng fastfood chain sa San Mateo, Isabela.

Namatay si Carlo Bueno, 47 anyos, nasa tamang edad makaraang barilin ni Rommel Sabban, isang guwardiya sa Poblacion, San Mateo, Isabela.

Lumabas sa pagsisiyasat ng pulisya na bigla na lamang sinaksak ni Bueno si Sabban sa kanyang likod sanhi para barilin nito ang biktima na nagdulot ng kanyang kamatayan.

Kasuluyan pa ang isinasagawang pagsisiyasat ng San Mateo Police Station kaugnay sa motibo ng pananaksak ng biktima sa suspek.

Kasalukuyan pa ring nagpapagamot ang guwardiya matapos saksakin sa likod ng biktima.