NAGA CITY- Patay ang isang lalaki matapos mabangga ng isang sasakyan sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Nabua, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Luis Apondar, 50 – anyos.

Sa impormasyong nakalap ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na binabaybay ng Toyota Hi-ace Commuter na minamaneho ni Ariel Lerit ang nasabing highway nang aksidenteng mabangga nito ang biktima.

Dahil rito natumba si Apondar sa semento at nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Na-itakbo pa sana ang biktima sa ospital ngunit idineklara na itong dead on arrival ng mga doktor.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.