BAGUIO CITY – Nahuli ang isang lalaki matapos nagsagawa ng Buy Bust Operation ang kapulisan at nakumpiska mula sa suspek ang mga pakete ng hinihinalang shabu sa Maria Pucay St., Guisad Central, Baguio City.

Nakilala ang suspek na si Ramil Gabito Ong, 50-anyos, may asawa at residente ng Lower Fairview, Baguio City

Nakumpiska mula sa suspek ang tatlong pakete ng hinhinalang shabu na may bigat na 0.5 grams at may halagang P3,400.

Base sa report, ito na ang ikalawang beses a nahuli ang suspek sa kaparehong kaso noong 2011 na paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.