ROXAS CITY – Arestado ang 31-anyos na lalaki sa ikinasang drug buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Capiz at Station Drug Enforcement Team ng Roxas City Police Station sa Barangay Barra, Roxas City, Capiz.

Kinilala ang drug suspek na si Antonio Cerujano Jr., 31 anyos, residente ng Sitio Tabai, ng naturang barangay.

Narekober sa suspek ang pitong sachets ng shabu na may market value na P400,000; P500 na buybust money; at cellphone.

Sa interview ng Bombo Radyo kay PMSgt. Ramil Arcangeles, tagapagsalita ng Roxas City PNP, drug surrenderee ng Barangay Barra si Cerujano.

Ayon pa sa opisyal na noong taong 2018 ng natapos pa ng suspek ang Community Based Drug Rehabilitation Program ngunit sa halip na magbago ay bumalik ito sa kaniyang ilegal na aktibidad.

Sa ngayon ay nakaaresto na ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.