CAGAYAN DE ORO CITY – Nahaharap sa kasong rape ang isang lalaki sa Cagayan de Oro City matapos umanong gahasain ang dalawa nitong kapatid.

Kinilala ang salarin na si Engilbert Pamisa, 20-anyos na tubong Kiharong Maramag Bukidnon.

Batay sa ulat, pinagsamantalahan ng suspek ang kanyang mga step sister na edad lima at walong taong gulang.

Ayon kay Master Sgt. Zona Fabre, chief police ng Women and Children Protection Desk, desidido ang magulang ng mga bata na sampahan ng kaso ang kanilang adopted son.