-- Advertisements --

Arestado ang isang lalaki matapos ang pagbangga ng kaniyang kotse sa mga gates ng Downing Streets sa London.

Ang Downing Street kasi ay siyang official residence ng prime minister ng United Kingdom.

Base sa imbestigasyon ng mga kapulisan na sa una ay mabagal ang pagpapatakbo nito sa pangunahing lansangan sa lugar hanngang bumilis ito sa dulo ng Downing Street.

Tumama ang kulay silver na kotse ng suspek sa iron-gates na nagdulot sa pagharang sa mga taong nais pumasok sa lugar.

Nasa lugar noon si British Prime Minister Rishi Sunak ng maganap ang insidente subait ito rin ay umalis agad dahil sa may nakatakda itong ibang lakad.

Walang anumang naiulat nasugatan sa insidente kung saan inaresto na ng mga Metropolitan Police ang suspek at ito ay sinampahan na ng kaukulang kaso.

Ang Downing Street ay may matinding seguridad kung saan ito ay minsan na binuksan sa publiko subalit ito ay isinara rin noong 1970.

Hinigpitan ang seguridad matapos ang mortar attack ng Irish Republican Army noong 1991.