Arestado ang isang lalaki matapos na saksakin ang isang guwardiya na nakatalaga sa French consulate sa Jeddah, Saudi Arabia.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang biktima na agad namang itinakbo sa pagamutan.

Agad namang naaresto ang suspek kung saan inaalam pa ng mga otoridad ang motibo nito sa insidente.

Kinondina naman ng French embassy sa Saudi Arabia ang nasabing insidente kung saan tiniyak nila ang imbestigasyon at ang proteksyon ng mga pag-aari ng France na nasa Saudi Arabia.