CENTRAL MINDANAO-Personal na alitan ang nakikita ng mga otoridad na motibo sa pamamaril patay sa isang lalake sa probinsya ng Cotabato.
Nakilala ang biktima na si Edgar Deniega Menesis, 40 anyos,may asawa at residente ng Brgy. Batiocan Libungan Cotabato.
Ayon kay Libungan Chief of Police Major Razul Pandulo na sinabi ng mga residente sa Barangay Cabaruyan na may kausap umano ang biktima ng biglang umalingaw-ngaw ang sunod-sunod na putok ng baril.
Nakita na lang na nakahandusay ang biktima sa kalsada at naliligo sa kanyang sariling dugo.
Agad itong binawian ng buhay nang magtamo ng tatlong tama ng bala ng kalibre.45 na pistola sa kanyang katawan.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon ng Libungan PNP sa pamamaril patay sa biktima.