Balik na rin sa game ang NBA superstar na si LeBron James upang pangunahan ang panalo ng Los Angeles Lakers kontra sa Indiana Pacers, 122-115.
Ang pagpapakita ni James mula sa pagpapagaling sa injury ay napakahalaga lalo na at nasa must win situation amg katayuan ng defending champion.
Kailangang ipanalo ng Lakers (41-30) ang next game laban sa Pelicans at swertihin sila na matalo naman sa hiwalay na laro ang Blazers sa Denver para makahabol sila sa huling slot na No. 6 sa playoffs.
Kapag hindi ito mangyari laglag sila sa play-in round.
Bagamat anim na games din na nawala si James, kumamada pa rin ito ng 24 points, habang si Anthony Davis ay doble kayod sa pagbuslo ng 28.
Aminado naman si James na medyo maganda ngayon ang kanyang pakiramdam sa pagbabalik kumpara sa dati.
Sa kabilang dako ang Pacers na may 33-38 kartada ay naghahabol din makakapit sa huling spot sa play-in.
















