Walang anumang pahiwatig na merong namagitang bangayan ang Los Angeles Lakers at Detroit Pistons sa kanilang rematch game kanina.
Kung maalala noong nakaraang linggo sinuspinde ng dalawang games si Isaiah Stewart at isang game naman si LeBron James.
Sa pagkakataong ito ay seryosong pokus na sa laro ang ipinakita ng dalawang koponan kung saan muling natalo ng Lakers ang Pistons, 110-106.
Bumida si James sa kaniyang ika-11 panalo (11 losses), nang magtala ng 33 points at nine assists.
Habang kumayod din ng husto sina Russell Westbrook na nagtapos sa 25 points at nine assists, at si Anthony Davis ay nagpakita ng 24 points at 10 rebounds para makbangon sila sa pagkatalo sa triple overtime nitong nakalipas na araw laban sa King.
Aminado sina LeBron at Westbrook na masaklap ang inabot nila sa kamay ng Sacramento at labis ang kanilang panghihinayang, kaya naman lumaro sila ngayon na ang nasa isip ay bumawi ng panalo.
Para naman sa Pistons, ito na ang kanilang ika-anim na sunod na talo (4-160).
Nanguna si Jerami Grant nang magpakawala ng 32 points para sa Detroit at ang No. 1 draft pick na si Cade Cunningham ay umeksena sa 15 points at 11 rebounds.