Sumandal ang Los Angeles Lakers sa triple double performance ni NBA superstar LeBron James upang ilampaso ang Cleveland Cavaliers, 131-120.
Sa kanyang pagbabalik sa Cleveland muling pinatunayan ng 37-anyos na si James na hindi pa rin siya kumukupas nang kumamada ng 38 points, 10 rebounds at 12 assists para sa kanyang 105th career triple-double at pang-ngayong season.
Kung maalala dating player si LeBron ng Cavs at nabigyan niya ito ng isang korona.
Samantala, tumulong din naman si Russell Westbrook sa opensa ng Lakers na may 20 points at 11 assists.
Sa ngayon doble kayod ang Lakers lalo na at namemeligro sila na hindi umabot sa playoffs sa NBA Western Conference.
Sa 31-41 record nakabitin ngayon sa ika-siyam na puwesto ang LA habang angat naman sa 41-31 sa Eastern Conference ang Cavs.