Pormal nang ipinakilala sa publiko ng Los Angelec Lakers ang kanilang bagong coach na si Darvin Ham na nakuha nila na assistant coach mula sa Milwaukee Bucks.
Agaw pansin naman ang presensiya ni LA guard Russell Westbrook na nasa tabi upang magbigay ng suporta sa bagong head coach.
Kung maalala kabilang si Westbrook sa nasisi ng mga fans kung bakit nabigong makapasok man lang sa playoffs ang Lakers.
Ipinagmalaki naman ni Ham ang dating MVP na meron pang ibubuga si Russell at inaasahan niyang magpapakitang gilas ito sa next season.
“I’m going to expect him to be the same tenacious, high-energy player that he’s been all his entire career. A lot of that now may have him without the ball in his hand. Most of it now may have it on the defensive end. But again, we have to sacrifice,” ani Ham sa press conference. “There’s no achieving anything without all parties sharing the load, sacrificing, instead of one-on-one.”
Samantala, ipinagmalaki naman ni Lakers vice president of basketball operations and general manager na si Rob Pelinka ang pagkuha nila sa 48-anyos na si Ham para maging ika-28 na coach ng prangkisa.