-- Advertisements --
Patuloy na oobserbahan ng Los Angeles Lakers ang kalagayan ng kanilang star player na si LeBron James.
Ayon sa koponan na hindi pa gaanong gumagaling ito mula ng magtamo ng calf contusion.
Natamo ng 38-anyos na si James ang injury sa unang quarter lamang ng panalo ng Lakers kontra Phoenix Suns nitong Sabado.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang gamutan ng mga doctors ng Lakers para tuluyan ng gumaling ang NBA superstars.
Hindi pa rin tiyak ng Lakers kung makakapaglaro na ng tuluyan si James.