-- Advertisements --

Lalo umanong lumakas ngayon ang Los Angeles Lakers matapos tinipon ang ilang mga beteranong players bilang paghahanda sa nalalapit na bagong season ng NBA.

Ang nagbabalik na veteran player na si Rajon Rondo ay naniniwalang ang eksperyensa nila at edad ang magiging susi ng koponan sa magiging tagumpay nila.

Si Rondo ay pormal na ring ipinakilala ng team matapos na muling makuha sa Atlanta Hawks at sa Los Angeles Clippers.

Ang Lakers ang tinagurian ngayon na “pinaka-oldest team” sa NBA.

Ang ilan sa mga players ng Lakers ay kinabibilangan nina Carmelo Anthony, 37; LeBron James, 36; Marc Gasol, 36; Trevor Ariza, 36; Dwight Howard, 35, at si Rondo, 35.

Ang iba pang miyembro ng koponan ay sina Russel Westbrook, Wayne Ellington, Talen Horton-Tucker, Kendrick Nunn at Malik Monk.

Sinasabing pumirma si Rondo sa one-year deal matapos pumayag ang point guard sa buyout sa Grizzlies.