-- Advertisements --

Tinambakan ng Los Angeles Lakers ang Sacramento Kings, 117-92.

Kahit hindi naglaro ang kanilang veteran superstar na si LeBron James.

Hindi nagpabaya ang dalawang starters ng team na sina Anthony Davis na kumamada ng 25 points at si Russell Westbrook na nagbuhos ng 23 puntos upang dominahin ang laro.

Kung maalala una nang inilagay sa NBA health and safety protocol si James.

Hindi pa naman makumpirma kung tinamaan ito ng COVID-19.

Aminado si Davis na malaking bagay si LeBron sa kanilang diskarte pero kailangan nilang humanap ng paraan para manalo kahit wala ito.

Ayon naman kay coach Franck Vogel, nag-iba na ang timplada ng kanilang koponan kumpara noong nagsisimula pa lamang ang NBA season.

Kaugnay nito, gumanda pa ang record ng Lakers sa 12-11 habang ang Kings ay nasadlak pa sa 8-14.