-- Advertisements --

Hindi pa rin matiyak ni Los Angeles Lakers coach Frank Vogel kung kailan makakabalik sa paglalaro si LeBron James.

Sinabi nito na kapwa bumubuti na ang kalagayan nina James at Anthony Davis.

Dagdag pa nito, parehas niyang binabantayan kung saan aabot pa hanggang walong linggo bago makapaglaro si James dahil sa ankle injury.

Magugunitang mula pa noong Pebrero 14 ay hindi na nakapaglaro si Davis dahil sa calf strain injury.

Bukod pa sa dalawa ay nagtamo rin ng injury si Andre Drummond dahil sa injury sa daliri nito at sa paa.

-- Advertisement --

Nilinaw naman ng Lakers coach na nakahanda naman ang ilang mga manlalaro para mapanatili ang kanilang standing sa Western Conference na mayroon na silang 31 panalo at 19 na talo.