Hinihimok ng Pilipinas ang lahat ng kinauukulang bansa na sanayin ang magpigil at diplomasya sa gitna ng tumitinding tensyon sa pagitan ng Taiwan at China kahit na nagpahayag ito ng pagkabahala sa posibleng pagsiklab ng digmaan sa Taiwan Strait.
Ito ang inihayag ni Department of National Defense (DND) Officer in Charge Jose Faustino Jr. .
Nakipagpulong si Faustino sa kaniyang United States counterpart na si Department of Defense Secretary Lloyd Austin III, sa Honolulu, Hawaii noong Huwebes, Setyembre 29 (US time), upang talakayin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa, kabilang ang pagtatanggol ng Washington sa Taiwan sa gitna ng pananalakay ng China.
Nanindigan siya na ang Pilipinas ay sumusunod sa “One China Policy” ngunit binigyang-diin na ang diyalogo sa pagitan ng mga kinauukulang partido ay dapat mangibabaw.
Ang nasabing patakaran ay tumutukoy sa pagkilala na iisa lamang ang gobyerno ng China at ang Taiwan ay isang breakaway province.
Sa kanyang bahagi, sinabi ni Austin na ang US ay hindi gustong makakita ng anumang uri ng unilateral na pagbabago sa status quo sa Taiwan Strait.
Tumindi ang tensyon sa Taiwan Strait, na matatagpuan sa hilaga ng Pilipinas, nang mag-deploy ang China ng mga fighter jet para tumawid sa median line pagkatapos ng pagbisita ni US House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan, isang self-governing island.
Sinabi ng China na ang pagbisita ng opisyal ng US sa Taiwan, na itinuturing nitong lalawigan nito, ay “seryosong nagpapahina” sa kanilang soberanya at integridad ng teritoryo.