Tiniyak ng Department of Health (DoH) na nasa magandang kondisyon ang lahat ng face shields na ginagamit ng mga healthcare workers.
Ginawa ng kagawaran ang naturang paglilinaw ngayong araw kasunod ito ng lumabas sa imbestigasyon sa Senado hinggil sa isyu ng substandard na suplay ng face shields na tinatanggap ng DoH mula sa Pharmally Pharmaceutical Corporation.
Paliwanag ni Health USec. Maria Rosario Vergeire, lahat ng medical equipment na ipinapamahagi sa mga health workers ay iniinspeksyon muna ng DoH.
Aniya, hindi tumatanggap ang DoH ng sirang face shields.
Paglilinaw pa ni Vergeir na ang medical commodities gaya ng face shields na ginagamit ng mga health care workers ay medical grade na mayroong shelf life dahil ang ilang components nito ay nasisira habang tumatagal.
Subalit sa ngayon ayon kay Vergeire aantayin na kagawaran ang magiging resukta ng isinasagawang imbestigasyon ng Senado sa anomalya hinggil sa substandard na mga faceshield kung nagkaroon ba talaga ng kakulangan.