-- Advertisements --

Inaprubahanna nang Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ilagay na rin ang Laguna, Iloilo City at Cagayan de Oro sa pinakamahigpit na Enhanced Community Quarantine (ECQ) simula ngayong Biyernes, August 6 hanggang August 15, 2021.

Kung maalala ang Metro Manila ay una na ring inilagay sa ECQ simula rin ngayong Agosto 5.

Ayon naman kay Presidential Spokesman Harry Roque isasailalim din sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) mula August 6 hanggang August 15, 2021 ang lalawigan ng Cavite, Lucena City, Rizal at Iloilo Province.

Ang Batangas naman at Quezon province ay nasa General Community Quarantine (GCQ) na may heightened restrictions mula rin August 6 hanggang August 15, 2021.