-- Advertisements --

Binatikos ni Albay Rep. Edcel Lagman si Sen. Ronald Dela Rosa matapos nitong dipensahan ang umano’y “kill, kill, kill” statements ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kasi kay Dela Rosa, hyperbole o exaggeration lamang ang mga pahayag ni Pangulong Duterte.

Pero iginiit ni Lagman na walang puwang ang mapaminsalang huperbole na ito kung ang nakasalalay ay ang karapatang pantao at civil liberties ng publiko.

Hanggang sa ngayon, hindi pa rin aniya binabawi o binago ni Duterte ang “lethal instruction” nito na maaring mag-escalate nationwide.

Giit ni Lagman, tanging ang mga “apologists” lamang ni Duterte ang magdidipensa sa “perilous” satement nito.

Ayon kay Lagman, ang direktiba ni Duterte ay nagresulta lamang sa magkakasunod na “extrajudicial killings” nang siyam na indibidwal sa Calabarzon, na pawang hindi naman combatants.

Nauna nang sinabi ng mga pulis na ang kanilang operasyon kung saan napatay at naaresto ang mga aktibista ay legitimate.

Sinabi naman ni Dela Rosa na hindi naman maglalabas ng anumang kautusan si Duterte kung iligal ito, lalo pa at ang Presidente ay isa ring abogado.