-- Advertisements --
image 312

Tanging ang lagda na lamang ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang inaantay bago ipadala ang pinal na kopya ng kontrobersiyal na Maharlika Imvestment Fund bill sa Malacañang para sa paglagda ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ito ang kinumpirma ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito.

Ayon sa Senador, natapos na ang paglilinis at pag-aayos sa pinal na bersyon ng naturang panukala.

Subalit sa kasalukuyan kasi ayon kay Sen. Ejercito nasa Amerika si Sen. Zubiri para sa isang official trip kayat ikinokonsiderang opsyon para malagdaan ng Senate President ang panukala ay personal itong dadalhin ni Senate Secretary Renato Bantug sa US.

Sa sandaling malagdaan ito ni Zubiri at ni House Speaker Martin Romualdez, ipapadala ito sa Malacañang para malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. uapng maging isang ganap ng batas .

Tiniyak naman ni Sen. Ejercito na kung ano ang napag-usapan sa plenaryo at napagtibay na mga parusa ay ito ang inilagay sa inayos na panukala.