-- Advertisements --
Nakatakdang ibigay na lamang ng Commission on Election (COMELEC) sa Department of Education (DepEd) bilang donasyon ang mga Starlink communication equipment na kanilang ginamit sa midterm elections.
Sinabi ni COMELEC Chair George Garcia, na nasa 8,000 units ng Starlink sa nagdaang halalan.
Bukod sa mga paaralan ay maaring gamitin din ang nasabing mga kagamitan ng ilang mga lokal na Comelec offices nila sa iba’t-ibang bansa.
Inilagay ang nasabing equipment sa mga lugar kung saan mayrong mahinang signal ng internet na siyang ginagamit sa pag-transmit ng mga resulta ng nagdaang halalan.
Magsasagawa pa ng pulong ang COMELEC ukol sa nasabing plano.