Inilabas na ni Lady Gaga ang kaniyang bagong album na “Chromatica”.

Sa kaniyang Instagram account, nagpost ito ng video habang sumasayaw sa kantang “911” ang kantang kasama sa album.

Ang 16-track album ay halos ay mga sayaw na nagpapahiwatig ng muling pagbabalik sa dancefloor ng nasabing singer.

Noong Abril pa sana ito inilabas subalit dahil a coronavirus pandemnic ay ipinagpaliban ang nasabing paglabas ng album.

Kasama rin sa album ang kanta na kasama niya si Ariana Grande na “Rain on Me” at kantang “Stupid Love” at “Sine From Above” na kasama niya dito sa Elton John.