-- Advertisements --

Isa ang Ladlad partylist sa mga naghain ng Petition for Registration at Manifestation of Intent to Participate para sa May 2022 national at local election.

Kinumpirma ito ni Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon.

Ayon dito makasisiguro raw ang partido na walang walang mangyayaring dismissal dahil sa immorality dahil na rin sa kautusan ng Korte Suprema.

Ikinatuwa naman ng nasabing partido ang naging pahayag ni Guanzon.

Noong 2007 election ay na-disqualified and Ladlad partylist sa kadahilanang wala itong sapat na miyembro at nationwide presence.

Muling tinanggal ng Comelec ang grupo sa listahan ng mga partylist noong 2010 dahil sa “immorality” na in-overturn naman ng SC.

Bigo naman ang grupo na maabot ang minimum na dalawang porsyento ng boto noong magkasunod na halalan kaya muling tinanggal ng Comelec ang Ladlad partylist sa kanilang listahan.