Nainsulto umano si Sen. Panfilo Lacson sa binabalak ng ilang personalidad sa kampo ni Vice President Leni Robredo.
Ito ang naging reaksyon ni Lacson, matapos ang ikalawang pakikipagpulong nila ni Senate President Tito Sotto sa panig ni Robredo.
Isa umano iyong unification talks para sa 2022 elections.
Pero ang hindi nagustuhan ni Lacson ay ang pagsusulong umano ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na sina VP Leni at Sotto na lang ang maging pantapat sa magiging pambato ng administrasyon sa paparating na eleksyon.
Una rito, umalma rin ang kampo ni Manila Mayor Isko Moreno sa panawagan ng ilang Robredo supporters na mag-withdraw na ito sa pagtakbo bilang presidente.
Gayunman, ang lahat ng mga “call for withdrawal” ay hindi naman direktang nanggaling sa bise presidente, kundi sa kaniyang mga supporters lamang.