Hindi naitago ni dating PNP chief at Sen. Panfilo Lacson ang pagkadismaya sa isa sa namang pulis na nadawit sa pamamaril sa mag-ina sa lalawigan ng Tarlac.

Ayon kay Lacson, hindi dapat bigyan ng awa P/SMSgt. Jonel Nuezca na dapat sana ay nagpapatupad ng batas, pero taliwas dito ang ginagawa.

Hinimok nito ang PNP na pairalin ang pagkumpiska sa armas ng isang PNP personnel, kapag hindi naman ito naka-duty.

“As a policy recommendation, policemen should turn in their issued firearms to their unit’s armorer or supply officer when on off-duty status. That said, they should not be issued Permits to Carry Firearms Outside Residence (PTCFOR) while still in the active service,” wika ni Lacson.

Giit ng dating pinuno ng pulisya, dapat agapan ng pambansang pulisya ang kanilang mga tauhan, upang mapanatili ang motto na: “to serve and protect.”

Una rito, naging trending sa internet ang pagpatay ng pulis sa mag-inang nakasagutan nito.

Ang masaklap, ginawa ang pamamaslang sa harap mismo ang ilang bata, kasama na ang anak mismo ng kontrobersyal na pulis.