-- Advertisements --
Kinumpirma ni Labor Sec. Silvestre Bello III, na nagpositibo siya sa COVID-19.
Ito’y sa kabila ng pagiging fully vaccinated na ng 77-anyos na kalihim.
Agad namang nag-self-quarantine ang opisyal sa kaniyang hometown sa Ilagan City, Isabela.
Pinayuhan na ring magpa-test ang iba pang nakahalubilo ng DOLE chief sa mga nakalipas na araw.
Maliban kay Bello, nagpositibo na rin sa COVID-19 ang iba pang miyembro ng gabinete.
Kabilang sa mga tinamaan na rin ng kahalintulad na sakit sina Interior Sec. Eduardo Ano, Presidential Spokesman Harry Roque, PCOO Sec. Martin Andanar at resigned Budget Sec. Wendel Avisado.