Handa ng tumanggap muli ang Philippine Overseas Labor Offices (POLO) ng mga alok na trabaho para sa mga overseas Filipino workers na nais magtrabaho sa Kingdom of Saudi Arabia (KSA) simula sa Lunes, Nobiyembre 7.
Ginawa ni Department of Migrant Workers Secretary Susan Ople ang naturang anunsiyo kasunod na rin ng pagtanggal na sa worker deployment ban sa Saudi.
Saad ng kalihim na hindi basta tatanggalin ang deployment ban nang walang maayos na pundasyon para sa proteksiyon ng mga manggagawang Pilipino abroad.
Inilatag din ng ahensiya ang bagong employment standard contract para sa mga OFWs sa Saudi kabilang ang buwanang pagpapasahod sa mga ofws sa pamamagitan ng Saudi government owned digital wallet, contract insurance, tungkulin na pagbibigay ng health care salig sa batas ng Saudi, pagbayad sa sick leave sa loob ng 30 araw, ipinagbabawal ang pagtatago ng pasaporte, iqama at iba pang mga dokumento ng mga ofws, at dapat sagt ng mga employer ang repatriation expenses ng ofw sa mga pagkakataon na may pandemiya o kahalintulad na pangyayari.
Maglalabas naman ang DMW ng guideline para sa watchlist ng mga recruitment agecies na blacklisted o whitelisted upang maiwasan na mabiktima ang mga ofw ng pang-aabuso.
Maari namang bisitahin ng mga nais mag-apply ang official website at facebook ng DMW para makita ang watchlist.
Ayon sa ahensiya, mayroong nakadeploy na kabuuang 189,826 newly-hired overseas Filipino workers sa Saudi noong 2019 kung saan nasa mahigit 37,000 ang domestic workers at cleaners habang naasa mahigit 150,000 naman ang employed sa contruction at liba pang occupational skilles.