-- Advertisements --

Wagi ang Filipino-Austrian na si Johannes Pietsch o kilala sa pangalang JJ, sa Eurovision Song Contest 2025 na ginanap sa Basel, Switzerland.

Ipinamalas ni JJ ang kanyang talent sa pamamagitan ng pag-awit ng kantang “Wasted Love,” na nakakuha ng pinakamataas na puntos na 436.

Sa kanyang Instagram, ipinahayag ni JJ ang kanyang kasiyahan habang hawak ang kanyang tropeyo at sinabing, “Guys, love is never wasted. There is so much love that can be spread around in any field.”

Bago mag-Eurovision, sumikat din si JJ bilang contestant sa “The Voice UK” noong 2020 sa ilalim ng mentorship ni will.i.am.