-- Advertisements --

Iniulat ng Department of Migrant Workers (DMW) na pinaplano nitong rebisahin ang labor agreement sa pagitan ng Pilipinas at Kuwait kasunod ng pagkamatay ng isa pang overseas Filipino worker (OFW) sa Gulf state.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Undersecretary Bernard Olalia, meron silang tinatawag na legal framework at ito ang labor cooperation agreement na nakatakda nilang e-revise partikular na ang protection, promotion ng mga overseas Filipino workers.

Dagdag pa ni Olalia, isang delegasyon ang ipapadala sa Kuwait upang makipag-ugnayan sa mga awtoridad para suriin at pagbutihin ang kasunduan.

Sinabi ng opisyal na susubukan nilang gayahin ito at ipatupad sa Kuwait.

Kung maalala, napirmahan noong 2018, pinoprotektahan ng kasunduan ang mga karapatan ng mga OFW, kabilang ang kanilang karapatang panatilihin ang kanilang mga pasaporte at panatilihin ang kanilang linya ng komunikasyon.

Ito ay nilagdaan matapos ipatupad ng Pilipinas ang deployment ban sa Middle Eastern country kasunod ng mga ulat ng mga OFW na inaabuso, kabilang ang kaso ni Joanna Demafelis na natagpuan sa loob ng freezer sa bahay ng kanyang amo.

Noong nakaraang Linggolang , natagpuang patay si Jullebee Ranara sa isang disyerto sa Salmi, Al-Jarah Governorate.