Dumating na sa Zamboanga ang mga labi ni John Matthew Salilig na estudyanteng natagpuang wala ng buhay sa bakanteng lote ng Cavite matapos itong makaranas ng walang habas na hazing mula sa isang fraternity.
Mula sa isang funeraria sa Dasmarinas, Cavite, dinala ang kanyang labi sa Villamor Airbase sa Pasay City upang ilipat na sa Zamboanga.
Dumating ang labi ni Salilig pasado alas 2 ng umaga sa Maynila ngayong Huwebes matapos na isailalim sa isang autopsy.
Kaugnay niyan, anim na person of interest na ang kasalukuyang iniimbestigahan ng pulisya ukol sa nangyaring karumal dumal na insidente.
Sa ngayon patuloy pa ring nananawagan ang miyembro ng pamilya ni John Matthew sa mga opisyal at gobyerno na dapat panagutin ang mga salarin sa likod ng pag paslang sa 3rd year student ng Adamson University.