Darating ngayong araw ang labi ng pinatay na overseas Filipino worker (OFW) na si Constancia Lago Dayag.

Sinabi ni Department of Labor and Employment (DFA) Secretary Silvestre Bello III, napagbigyan ng Ministry of Foreign Affairs sa Kuwait ang hiling ng Pilipinas.

Makakasamang darating sa bansa si charge d’ affaires ng Philippine Embassy sa Kuwait Mohd Noordin Pendosina.

Taliwas sa naging findings ng Kuwait forensic department na natural cause ang pagkamatay ni Dayag, lumabas sa inisyal findings ng DOLE na may indikasyon na ginahasa pa ang biktima.