-- Advertisements --

Narekober sa overnight operation ng israeli Defense Forces sa Jabalya cap sa Northern Gaza ang labi ng 3 bihag ng militanteng Hamas.

Lahat ng 3 bihag na natagpuan ay napatay sa pag-atake noong October 7 sa Mefalsim Intersection malapit sa border ng Israel sa Gaza saka dinala ng Hamas ang mga bangkay sa naturang teritoryo.

Natukoy ang pagkakakilanlan ng 3 biktima na sina Hanan Yablonka, Michel Nisenbaum, at Orion Hernandez ayon sa Israeli Defense Forces (IDF).

Ipinaalam na rin ng mga awtoridad sa pamilya ng mga biktima ang pagkakarekober ng kanilang mga labi.

Sa kasalukuyan, mayroon pang 121 bihag ang hawak ng Hamas sa Gaza.