-- Advertisements --

Nagpapatuloy pa rin ang labanan sa pagitan ng military sa Sudan at paramilitary Rapid Support Forces (RSF) kahit na inanunsiyo nila ang 24-oras na ceasefire.

Ang nasabing kasunduan para ay para magbigay daan ang mga tulong sa mga residente.

Nangangamba naman ang International Committee of the Red Cross na tataas pa ang bilang ng mga masasawi kapag hindi tumigil ang nasabing labanan.

Sinabi ni Patrick Youssef, director of Africa sa International Committee of the Red Cross, na kulang ang ceasefire para maibigay nila ang mga kailangan ng mga apektadong katao.

Mahalaga ang pagsasagawa ng operasyon ng mga pagamutan sa Sudan.

Magugunitang aabot na sa mahigit 100 katao ang nasawi sa ilang araw na labanan sa pagnanais ng RSF group na makuha ang kontrol ng gobyerno.