Sumidhi pa sa ikatlong araw ang nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng army at paramilitary group na tinatawag na Rapid Support Forces (RSF).
Una ng napaulat na mahigit 50 katao na ang napatay habang pumapalo sa mahigit 1,000 ang bilang ng mga nasugatang sibilyan.
Kapwa iginigiit ng dalawang panig na kontrolado nila ang mahahalagang lugar sa kabisera ng Khartoum kabilang ang presidential palace.
Nitong linggo, pinairal ng magkabilang panig ang pansamantalang ceasefire o tigil-putukan upang payagang makalikas ang mga sugatang sibilyan.
Nag-ugat ang sigalot kasunod ng negosasyon sa panukalang ianib ang Rapid Support Forces sa military ng Sudan bilang bahagi ng plano na buhayin ang civilian rule.
Bunsod nito, tila malamig ang dalawang panig sa naturang plano na nagresula ng labanan dahil kwestyonable kung sino ang magiging subordinate at mamamahala sa ilalim ng bagong liderato sa oras na matuloy ng plano.
Dahil dito ang dating magkaalyado ay magkaribal na ngayon na sina Sudan military leader Abdel Fattah al-Burhan at commander ng paramilitary group na Rapid Support Forces (RSF) na si Mohamed Hamdan Dagalo.
Ang dalawang military leader ay magkasabwat sa pagpapatalsik kay dating Sudanese President Omar al-Bashir noong 2019 at nasa likod din ng sumiklab na kudeta noong 2021.