Ipinaliwanag ng organizer ng exhibition fight ni retired US boxer Floyd Mayweather ang hindi pagtuloy ng nasabing laban sa Dubai.
Ayon sa Global Titans Fight Series na kanilang kinansela ang nasabing laban ni Mayweather sa dating sparring partner nito na si Don Moore ay dahil sa pagpanaw ng nited Arab Emirates president Sheikh Khalifa bin Zayed Al Nahyan.
Dahil aniya sa pagpanaw ng kanilang pangulo ay ipinatupad ang 40-days of mourning kung saan lahat ng mga negosyo at maraming mga establishimento ay isinara.
HIndi pa matiyak ng organizer kung ano ang napiling bagong petsa ng laban.
Hindi naman nagbigay ng komento pa Mayweather at sa kaniyang social media account ay nagpost na lamang ito ng larawan ng pumanaw na pangulo ng UAE.
Ito sana ang pangatlong exhibition fight ni Mayweather mula ng talunin si Conor McGregor noog 2017 at si Tenshin Nasukawa ng Japan noong 2018.