-- Advertisements --

Nagtapos sa goalless draw ang laban ng US at England sa Group B stage sa nagpapatuloy na FIFA World Cup na ginaganap Qatar.

Mula sa simula ng laro ay hindi nagpatinag ang ranked number 16 na USA sa mas mababang ranking na number 5 na England sa laro na ginanap sa Al Bayt Stadium.

Tinagka ng dalawang koponan na makapasok ang goal subalit naging mabigat ang depensa ng bawat isa.

Nais kasi bumawi ng USA matapos na natapos sa 1-1 draw ang laban nila sa Wales nitong Lunes.

Pagpasok ng second half ay may tsansa pa sana ang England na makapagtala ng puntos sa pamamagitan ng corner kick subalit hindi sila nagtagumpay.