-- Advertisements --

Ipinagpaliban ang laro ng Detroit Pistons laban sa Washington Wizards matapos na naantala ang biyahe ng Pistons sa Dallas dahi sa matinding pag-ulan ng yelo.

Ayon sa NBA na dahil sa sama ng panahon ay hindi agad nakalipad pabalik ang Pistons matapos ang laban nila sa American Airlines Center.

Kanilang iaanunsyo sa mga susunod na araw kung kailan muilng gaganpin ang laban.

Dahil na rin sa nasabing insidente ay maraming mga flights ang naantala papasok at palabas ng Dallas.