Malditas
Malditas/ FB image

Nagtapos sa scoreless draw ang laban ng Women’s football team kontra sa Myanmar sa paghaharap nila sa Southeast Asian Games sa Laguna.

Maraming tsansa sana ang Malditas Pilipinas na makapasok ng goal subalit naging matindi ang depensa ng Myanmar.

Isang halimbawa dito ang muntikan ng pagpasok sa goal ni Cam Rodriguez sa natitirang 60 minutes at 79 minutes subalit ito ay nabigo.

Susunod na makakaharap ng mga Pinay football team ang Malaysia sa darating na Biyernes Nobyembre 29.