LA UNION – Patuloy na tumataas ang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigan ng La Union kung saan lima ang nadagdag na umakyat sa bilang na 43.
Kabilang sa bagong kaso si patient #26 na isang 17 anyos na lalaki, residente ng Barangay San Agustin at may close contact kay patient # 15; patient # 27 na 44, residente ng Barangay Langcuas at isang aymtomatic; at si patient #28 isang 40 na babae, residente ng Barangay Madayegdeg sa San Fernando.
Lahat sila ay nasa isolation facility.
Kasama rin sa bagong kaso sina patient # 10 isang 44 na lalaki at Barangay Las-ud sa bayang ng Caba. Wala umanong travel history at nananatili sa Lorma Medical Center at ang ika-limang kaso sa bayan ng Bauang na isang 40 na babae na taga Barangay Parian Este.
Napag-alaman pa ng Bombo Radyo na ang ika-limang kaso sa bayan ng Bauang ay empliyado ng Sangunian Bayan. Nagpatingin sa Bauang Rural Health Unit dahil sa iniinda nitong lagnat at ubo kung saan lumabas resulta ng PCR test nito na positive sa covid.
Isinailalim naman na sa lockdown ang Purok 4 ng Barangay Parian Este kahapon at ngayon araw July 25 until further notice.
Samantala, isinasagawa na ang contact tracing sa mga nakasalamuha ng mga pasyente at mahigpit ang paala sa mga residente dito na sundin ang mga ipinapatupad na health protocols upang hindi lumaganap ang virus.