-- Advertisements --

LA UNION – Ang siyudad ng San Fernando La Union ang may pinakamaraming naitalang kaso ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa loob lamang ng isang araw ay umabot ito sa 14.

Nagmula sa Purok 2B ng Barangay San Agustin ang lahat ng bagong naitalang kaso ng covid.

Mula sa nasabing bilang, siyam ang bagong mga pasyente na kapwa mga lalaki na edad 47, 46, 61, 37, 65, 60, 3, 60, 32 anyos at lima naman ang babae na edad 36, 21, 34, 31, at 64-anyos.

Dahil sa isinasagawang mass testing sa nasabing lugar kung kaya may naitalang mga bagong kaso dito.

Gayunman, karamihan sa mga pasyente ay Asymptomatic at walang nakasalamuhang COVID-19 patient.

Sa kabilang banda isang 59-anyos na lalaki naman ang bagong naitalang kaso ng covid sa bayan ng Bacnotan.

Residente ito ng Barangay Sta. Rita at may close contact sa mga pasyente sa nasabing lugar.

Naka home quarantine na ito at nasa mabuting kalagayan.

Asymtomatic din ang 23-anyos na babae na residente ng Barangay Casilagan, San Juan, La Union na pinakabagong kaso ti covid dito.

Napag-alaman na may travel history ito at naka home quarantine sa kasalukuyan.

Samantala, umaabot na sa 139 ang total cases ng Covid 19 sa lalawigan, 75 ang active cases, 56 ang recoveries habang walo na ang namatay.