Ipinag-utos ng alkalde ng Los Angeles na kaniyang papatayin ang suplay ng tubig at kuryente sa mga kabahayan na magsasagawa ng malalaking pagtitipon.
Ito ay para mapigil ang pagkalat ng coronavirus sa nasabing estado.
Sinabi ni Mayor Eric Garcetti, na nagiging isang night clubs na ang mga nagaganap na house parties.
Mapanganib aniya ang nasabing mga pagtitipon at malaki ang posibilidad ng paglobo ng kaso ng COVID-19.
Noong nakaraang buwan naman ay ipinag-utos rin ni California Governor Gavin Newsom ang pagtigil ng mga indoor activities ganun din ang mga operasyon ng mga restaurants, bars at mga entertainment venues.
Umaabot na kasi sa mahigit 532,000 ang kaso ng coronavirus sa California kung saan mayroong halos 10,000 na ang nasawi.
Sa Los Angeles lamang ay mayroong halos 200,000 ang nasabing kaso ng coronavirus.